CHAPTER 15 Sinubukan kong kumawala mula sa kanyang pagkakahawak sa aking bewang ngunit mas humigpit lamang ang kapit niya sa akin. Sinandal ko nalang ang sarili ko sa sa puno ng niyog. “Hindi ko na maalala kung ilang lalaki ang nakasayaw ko ngayon,” “Seems you enjoyed it,” I nodded repeatedly. Ang lakas pa ng aking loob na hawakan panga niya. Ang tangkad-tangkad niya at nakatingala na ako. Hinila ko iyon para mas lalong bumaba ang mukha niya. “Nag-enjoy talaga ako, Ninong. Bakit ka nandito sa akin? Where's my sister?” Anong oras na ba ngayon? My phone is not with me. Nandoon sa maliit na bag na dala ni Cianne at hindi ko na siya makita. Maybe that girl is already with someone. Bumaba ang mukha niya gaya ng aking gusto. Pumantay iyon sa mukha ko. He's very tall. Hanggang balikat n

