CHAPTER 14

1304 Words
CHAPTER 14 What the hell is he doing here? Huli na ang lahat para magtago ako. Dahil bago pa ako tumingin sa kanya ay nakatingin na ito sa akin na para bang kanina niya pa ako tinitingnan. Kahit nakasuot ito ng shades ay tumatagos ang mga tingin niya. Hindi ito nag-iisa. Kasama niya ang aking Ate na nakalingkis na naman ang mga kamay sa braso ni Ninong. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maglaway sa nakikita ko. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang sando na kulay puti at hapit na hapit ito sa katawan niya. Kitang-kita kung paano halos pumutok ang mga muscle niya. I turned my back on him. Hinarap ko si Cianne. “Puntahan na ba natin?” kinakabahang tanong ko. “Of course, gaga! Nakita na tayo tapos hindi natin lalapitan? Ano ba ang ginawa mo d'yan at bakit sunod nang sunod 'yan sa 'yo? Walang araw na pinalagpas sumunod agad sa 'yo dito. Paano tayo iiwas niyan kung nandito rin sila? Hindi ako maniniwalang coincidence lang 'to! Planado niya 'to, Amihan!” mahabang sabi ni Cianne at panay din ang sulyap sa direksiyon nina Ninong. Lumayo na nga 'yong tao sinundan niya pa talaga ako. “Ano pa ang magagawa natin? Nakapagbayad na tayo sa room natin. Ganoon pa rin ang plano natin, Cianne. Iiwas pa rin tayo sa kanila, okay?” Nagkamot ito ng batok na tila problemado rin sa nangyayari. Wala rin palang silbi ang pag-alis ko kung susundan niya rin naman ako rito. Lumapit kami ni Cianne sa kanila. “Amihan! Nandito rin pala kayo! We're planning to stay here for three days! You know, I wanna spend more time with him kasi aalis na ako.” Naramdaman ko ang pagsiko ni Cianne sa aking tagiliran. Tatlong araw? Okay, think positive, Amihan. Malaki itong isla. Hindi naman papayag ang Ate mo na sasabay kayo sa kanila dahil masisira n'yo ang moment nilang dalawa! “Sige, Ate. Mag-eenjoy lang kayong dalawa ni Ninong. Ang daming pwedeng gawin dito. Hindi na kami magtatagal ni Cianne dito kasi may iba rin kaming plano. Iwan na namin kayo,” paalam ko sa kanila. Hinawakan ko agad ang braso ni Cianne para makaalis na kaming dalawa. Ngunit nakakaisang hakbang pa lang kami ay narinig ko na ang boses ni Ninong Alejandro. “Why don't you join us?” Hilaw akong napangiti. Kinurot ko pa si Cianne. Kahit hindi kami nag-uusap alam ko kung ano ang nasa isip ng babaeng 'to. “'Wag na po, Ninong! Makakasira lang kami sa moment n'yong dalawa ng Ate ko! May iba rin kasi kaming plano ni Cianne,” “Plano naming maghanap ng maraming boys,“ dagdag ni Cianne sa sinabi ko. Umigting ang panga ni Ninong at dalawang beses pa itong napalunok. Bumuka ang bibig nito na tila magsasalita siya pero wala lumabas na boses. “It's not like you're going to ruin our moment if you'll be with us,” pagpupumilit pa nito. Tang ina. Pinagmumura ko na siya sa isip ko. Hindi niya ba magets kung ano'ng ginagawa ko? Umiiwas na nga ako sa kanila! Siya naman itong lapit nang lapit at sunod nang sunod sa amin. “Sulitin n'yo na lang 'yan, Ninong. Moment n'yong dalawa ni Ate 'yan at mag-enjoy kayo na kayong dalawa lang. We have other business din po,” Aaminin ko, nakaramdam ako ng selos habang sinasabi 'yon. But I won't show it to them. This jealousy should be kept. Nagseselos ka hindi naman sa 'yo 'yong tao, Amihan! Napansin ko kung paano ito huminga ng malalim na tila pinipigilan ang sarili niya. “Excuse me po!” Hinila ko na si Cianne. Bahala na kung saan man kami makarating. Panay ang reklamo niya sa aking likuran dahil muntik na itong madapa sa bilis ng paglalakad ko. “Malayo na tayo, Amihan! Ang oa na nitong nilakad natin parang makakauwi na tayo sa bahay n'yo,” Hingal na hingal ito nang binitawan ko siya. Pasalampak itong umupo sa buhanginan. Tumingin ako sa paligid. Malayo na nga kami sa mga tao. Nandito kami sa gilid kung saan medyo natatakpan ng mga malalaking bato. Humawak ako sa aking bewang dahil ngayon lang din ako nakaramdam ng pagod. “Nalilito na ako d'yan sa Ninong mo, Amihan. 'Di ba sabi mo may something na nangyari sa inyong dalawa before naging sila nung Ate mo? Ibig sabihin nauna ka,” bakas ang kalituhan sa boses niya. “Kung may something na pala sa inyong dalawa bakit niya pa liligawan ang Ate mo?” 'Yan din ang isang tanong na hindi ko masagot-sagot sa isipan ko. “Tapos sa akin lang 'to, ah? Base lang 'to sa nakita ko kanina. Iba ang tingin niya sa 'yo, eh. Hindi normal na tingin ng isang taong walang nararamdaman. Parang may gustong sabihin ang mga mata niya pero hindi niya masabi dahil may pumipigil. Iyon ang nabasa ko sa mga mata niya kanina nang makita ko siyang nakatitig sa 'yo,” We didn't let them ruin the moment. Nag-enjoy kaming dalawa ni Cianne. We went snorkeling at sobrang namangha ako nang makita ang mga tanawin sa ilalim ng dagat. When the night came, naisipan naming pumarty ni Cianne. I am wearing a black two-piece set. An asymmetrical skirt na umabot sa aking talampakan. Ang bandeau top naman na nagbibigay diin aking collar bone na nilagyan ko ng glitters para tumingkad ito kapag natatamaan ng ilaw. May parang malaking singsing ito sa gitna. Nagsuot din ako ng isang kwentas na binili ko kanina. Kwentas iyon na gawa sa mga shells. On the other hand, Cianne is wearing a pink maxi dress. The dress features a halter neckline, its delicate straps accentuating her shoulders and drawing attention to her graceful posture. Lampas talampakan din iyon. Sandals lang ang sinuot namin para kumportable kaming maglakad sa buhangin. Magkahawak kamay kaming pumunta sa isang bar na nandito. Hindi pa kami nakakarating ay nakikita ko na ang dami ng taong nandoon. Ang iba ay sumasayaw na. “Maglandi ka, Amihan! Nakikita mo ang mga 'yan,” Tinuro niya ang mga lalaki bago nagsalita ulit. “Maghanap kana d'yan ng ipapalit mo du'n sa Ninong mo! Mas gwapo at mas masarap naman pa 'yan!” Naglasing ako. Hindi ko na mabilang sa daliri ko sa paa at kamay kung ilang shots na ang nagawa ko. Kung sino-sino nalang ang mga nakakasayaw ko at nakikihalo na ako sa mga tao. Si Cianne ay hindi ko na rin nakita. I'm sure my best friend is also having fun! Isang lalaki ang nakilala ko. Pinoy siya. Maputi, sa tingin ko nasa 5'9 ang height niya. He's name is Iroll. Sumasabay kami sa beat ng music. Hinawakan niya ang aking kamay at tinaas ito sa ere. Sabay kaming kumanta dahil alam namin ang lyrics. Natatawa ako nang pinaikot niya ako. “Wanna go somewhere, Ami?” bulong nito sa aking tainga. Tinanong niya kung ano'ng pangalan ko, I decided not to tell him my real name. Mahina kong tinulak ang dibdib niya at namumungay ang mga mata ko siyang tiningnan. I don't have any plans to have s*x tonight! “Calm your d1ck,” natatawang sabi ko at muling bumalik sa pagsasayaw. Pero nagsisimula na siyang maging touchy sa akin. Nakainom na ako at may tama na rin ngunit alam ko pa rin kung ano'ng ginagawa ko. Nagpaalam ako na pupunta ng banyo. “No, no, dito ka lang. Kaya ko na ang sarili ko,” I went to the bathroom. Umihi lang ako at lumabas na rin agad. Naglalakad na ako pabalik nang may humila sa akin at sinandal ako sa katawan ng puno. Sa amoy niya palang, kahit hindi na ako tumingin sa mga mata niya ay alam ko na kung sino siya. “How many boys did you danced, baby?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD