CHAPTER 13
My statement turned the atmosphere into awkwardness.
Natahimik kaming dalawa. Kumurap-kurap ako ng ilang beses.
“Mauna na ako sa 'yo, Ninong.” mabilis na sabi ko at nilagpasan siya. Iniwan ko siyang tulala lang sa loob ng room namin.
Umuwi ako ng bahay namin at naabutan ko si Papa na nakaupo sa labas ng bahay namin at agbabasa ng diyaryo.
“Good morning, Pa,”
Dumaan muna ako sa kanya upang magmano. Inayos niya ang kanyang salamin at tiningnan ako.
“Hindi ka pala nakauwi? Inumaga kana ng uwi. Saan ka natulog?”
See? Wala silang alam na hindi nakauwi ang bunsong anak nila.
Pasensya kana, Cianne at gagamitin ko na naman ang pangalan mo ngayon. Wala akong maisip na taong gagamitin para makalusot. Hindi naman akma na sabihin ko kasama ko si Ninong at natulog kami sa iisang room lang.
Hindi nga nagpakita sa girlfriend niya.
“Kay Cianne ako natulog, Pa.” tipid na sagot ko. Naglakad na agad ako upang wala na itong idagdag pa.
Ang plano ko ay hintayin munang dumating si Ninong dito sa bahay bago ako umalis. Nakahanda na rin ang damit ko at plano naming pumunta sa beach ni Cianne. Sumabay naman sa trip ko si Cianne para raw makapagbonding kaming dalawa.
I never replied to his text. Tumatawag pa nga ito minsan. I ended up blocking him. Tanong nang tanong kung nakaalis na ba ako at kailan ako babalik.
Lumipas ang dalawang araw at sumulpot na lang ito sa bahay namin.
“Babe! You didn't tell me na pupunta ka!”
Patakbong yumakap si Ate Antoinette sa kanya at agad na hinalikan ang kanyang pisngi.
Tanghaling tapat siya dumating, may bitbit na malaking pizza sa kanang kamay.
“Magandang tanghali, Ninong,”
Nandito nga pala ako sa sala at hawak ang aking gitara. Nilapag ko muna 'yon sa aking gilid upang damputin ang cellphone ko.
Amihan: Nandito na siya.
Sunduin mo na ako.
Cianne: teka lang. Maliligo muna ako.
Hintayin mo'ko d'yan.
Ilang araw kaya siya rito? Tatlong araw lang ang plano namin ni Cianne.
Tumayo na ako upang umakyat sa aking kwarto. Tiningnan ko lang siya nung binati ko siya kanina. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya. Pero nung naglalakad ako naramdaman ko ang mga titig niya sa akin.
Ang lakas ng t***k ng aking puso pagpasok ko sa loob ng aking kwarto. Napansandal ako sa likod ng pinto at napatulala.
Nagbihis lang ako ng trouser na kulay itim at isang tube na croptop. May n****e tape naman ako sa loob.
Wala akong planong bumaba. Hinintay kong tumawag si Cianne na nasa labas na siya. Tumayao agad ako nang makita ang text ni Cianne na nasa labas na ito. Isang maleta ang dala ko. Sa dami ng damit na dinala ko pakiramdam ko doon na ako maninirahan habang buhay.
“Ngayon pala ang alis n'yo, Amihan?” sabi ni Mama nang mamataan niya ako.
“Oo, Ma. Nasa labas na si Cianne,”
“Mag-ingat kayo dun, Amihan. 'Wag kang inom nang inom dun. Mahirap na at hindi mo kakilala ang mga nasa paligid mo. Mapapalayas kita kapag umuwi kang may bata na sa tiyan mo,”
Pansin ko ang mariing titig ni Ninong sa akin. Nasa sala silang apat at nasa gitna ng pag-uusap nang dumating ako.
Tinawanan ko lang siya. “Ma, hindi ako magpapabuntis 'wag kang mag-alala. Alis na po ako!”
“Mag-enjoy tayong dalawa, Amihan! Burahin mo muna sa isipan mo ang mga lalaking ‘yan! Maraming lalaki dun at baka doon na natin mahanap ang forever natin!”
Wala ring kasintahan si Cianne. Nagkakaroon naman siya ng boyfriend pero hindi rin tumatagal. Mas gusto ‘yong fling-fling lang kayo.
Wala kaming ginastos sa pamasahe dahil may sasakyan naman si Cianne. Nag-ambag lang ako ng pera para dagdag sa pang-gas niya. Ang malaking flex ko lang sa gala na ‘to ay ang perang ginamit ko ay galing sa pinaghirapan ko at hindi ko hininga sa mga magulang ko. Inipon ko ito sa sweldo ko sa mga gig ko.
Dahil tanghali na kami umalis ay gabi na kami nakarating ni Cianne.
Kumuha lang kami ng isang room at may dalawang kama. Inasar niya pa ako na ang dami ko raw dalang damit nang buksan ko na ang aking maleta para kumuha ng mga damit doon sa loob.
“Lalayas ka ba? Kung lalaki lang ako iisipin ng mga magulang mo na itatanan kita! Ang dami-dami mong dalang gamit, bitbit mo ata ang buong bahay n’yo! Dito ka nalang kaya tumira?”
Nakadapa sa kama niya si Cianne at ako naman ay nakaupo sa sahig, nasa harapan ko ang aking maletang nakabukas.
“Baka magtagal si Ninong ng ilang araw sa bahay. Balak kong mag-extend kapag nandoon na siya,”
Maaapektuhan pa ang trabaho ko dahil sa pag-iwas na ginagawa ko.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Cianne para maghanda na.
I am wearing a black bikini. Pink naman ang bikini ni Cianne.
“Damn hot!” rinig kong sabi ng lalaking nakasalubong namin. May lahi ito at buzz cut ang buhok niya. Binaba pa nito ang suot niyang sunglasses at kinindatan ako.
Pinatungan ko na muna ng maong shorts pero nakabukas naman ang zipper nun. Kakatapos lang namin ni Cianne na kumain ng breakfast at balak naming mag sun bathing.
“Wow! Bentang-benta sa mga lahi! ‘Pag-uwi mo may dala kanang afam sa bahay n’yo. Mukhang hindi isda ang mabibingwit mo rito! Lalaki!” natatawang sabi ni Cianne.
There are a lot of guys here. Ang iba ay halatang may mga lahi. Ang iba ay nagsusurf dahil malalaki ang mga alon.
Ginala ko ang aking mga mata sa buong paligid. Ang ibang mga lalaki ay nakatingin na sa aming dalawa ni Cianne. Sa hindi inaasahan, may nahagip ang mga mata ko na isang pamilyar na tao. Tumibok ng malakas ang aking puso.
I slowly looked again.
Oh.
My.
God.
Mahina kong kinurot si Cianne, narinig ko pa ang pagrereklamo niya dahil masakit daw. Pero hindi ko siya pinansin at napako ang aking tingin doon sa taong nakita ko.
“Ano ‘yang tiniti-
Parehas kami ng reaksiyon sa aming nakita.
Malutong itong napamura.
“Umalis nga sa bahay para makaiwas sa problema. Sumunod naman ang problema!”