1

939 Words
KINAGAT-KAGAT ni Alexa ang straw ng iniinom niyang ice tea habang nakamasid sa mga nagkakasiyahang tao sa bagong bukas na restaurant ni ate Akira. Hindi sana siya pupunta doon dahil may tinatapos siyang manuscript ngunit blin-ackmail siya ng ate niya. Tinago nito ang charger at battery ng laptop niya at hindi raw nito ibabalik iyon hanggat hindi siya sumasama. Ayon dito ay kailangan niya naman raw makalanghap ng bagong hangin dahil halos isang buwan na siyang hindi lumalabas sa lungga niya. Napabuntong-hininga nalang siya. Anong magagawa niya kung ang trabaho niya ay nangangailangan ng tahimik na lugar na walang mang-iistorbo sa kanya? At ang kwarto niya lang ang tanging lugar na alam niya kung saan niya makakamit ang katahimikang hinahanap niya. She had been writing novels for Spyair Publishing Corporation for a few years now. Noong umpisa ay romance novels ang sinusulat niya ngunit nang malulong siya sa Japanese comics o mas kilala sa tawag na “manga” ay sinimulan niya ng gumawa ng mga kwentong iba-iba ang genre. Kasalukuyang horror novels ang kinahuhumalingan niya. “Yo, Miss I-Want-To-Get-Out-In-This-Party-Now!” masiglang bati ng lalaking boses palang ay gusto niya ng isumpa. It was her sister’s friend, Louis Aquino. Umupo ito sa kaibayong upuan niya at mukhang tangang nginitian siya. “Bored ka na, no? Gusto mo tumakas tayo? Sabihin mo lang, itatanan kita ngayon din.” Napa-face palm nalang siya. Bored na bored na nga siya sa party, dumagdag pa sa pambwisit sa buhay niya ang lalaking ito. She had known Louis since college. Malaki ang atraso nito sa kanya noon kaya kung pwede lang ay tirisin niya ito ng one million times ay ginawa niya na. Ito kasi ang sumira ng supposedly first romantic relationship niya noon. “Nakikita mo `to, Louis?” itinutok niya sa mukha nito ang tinidor na nasa pinggan niya. “Kapag hindi mo ako tinantanan, itatarak ko `to sa lalamunan mo.” “Aw, you’re so violent. Kaya lalo akong nai-in love sa `yo eh,” nakangising sambit ng lalaki. Kinuha nito sa kanya ang tinidor na hawak niya. “Hmm, lalo ka yatang gumaganda ngayon, ah? Anong ginagamit mong beauty product sa mukha mo?” “Tide Bar.” Tumawa ito. Hindi niya na pinansin ang lalaki at ibinalik niya nalang ang atensyon niya sa tahimik na pagngata sa straw at panunuod sa mga bisita ng ate niya. Kapag kasi pinatulan niya pa ang mga walang kwentang sinasabi ni Louis ay lalo lang siyang maiinis. Napapalatak siya. Siguradong ang lalaki ang dahilan kung bakit siya pilit na pinapunta doon ni Akira. Si Louis kasi ang ibinubuyo ni Akira sa kanya. Hindi na siya magtataka kung magkasabwat man ang mga ito sa planong pagpapalabas sa kanya sa lungga niya. “Alexa,” untag ni Louis ngunit hindi niya ito nilingon. Nagpanggap nalang siyang hindi ito nag-e-exist sa paligid. Tutal magaling naman siya doon. “Uy! Alexa. Oi---i! Pansinin mo naman ako. Sayang ang pagpapa-pogi ko ngayong araw kung hindi mo lang rin ako titingnan.” Nang hindi siya sumagot ay nangalumbaba nalang ito at mataman siyang tinitigan. Hindi niya mapigilang mailang sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya. Nang hindi siya makatiis ay asar na nilingon niya ito at tiningnan ng masama. Hindi nakaligtas sa kanya ang nakakatawang itsura nito habang nakatitig sa kanya. Louis was smiling like an idiot and she couldn’t help but think that look suits him best. He was an idiot, after all. “Mukha kang tanga,” hindi niya napigilang komento. “Stop looking at me like that.” “Like what?” “Like you’re…” napakunot-noo siya. Parang ano nga ba? “Wala. Basta tigilan mo `yan dahil baka mahawa ako ng kashungahan sa `yo. Hindi pwedeng magkaroon ng kagaya mo sa lahi namin.” “Gusto mo ako nalang ang mag-fill in ng sasabihin mo sana kanina?” nakakaloko ang ngiti nito. “Kung hindi mo naitatanong, may pagka-mind reader ako pagdating sa `yo. I know what you’re thinking.” “Ah, talaga?” walang ganang sambit ni Alexa. “Yes,” kampanteng sagot nito. He leaned forward and gave her a conceited smile. “Wanna bet? If I’m right… how about giving me a kiss as a price?” “Masyado ka yatang kapante,” nakataas ang kilay na panghahamon niya rito. “Sige nga, ano `yung karugtong ng sasabihin ko kanina?” “That I’m looking at you as if I’m in love with you.” Natigilan siya. Iyon nga ba ang iniisip niya? He looked straight in her eyes. He had the same expression in his face as before. Hindi niya mapigilang mapakunot-noo para mapagtakpan ang nakakairitang damdamin na pilit binubuhay ni Louis sa kanya. Ah! He really hated this man! Hindi kagaya ng kanina, mas naging aware siya sa lalaki dahil sa kakarampot na pagitan nilang dalawa. Wala kasi siyang ibang choice kundi ang tumitig rin dito kaya nag-sink in sa lutang niyang utak kung gaano ka-gwapo si Louis. Louis had a wing shaped eyebrows that complimented his sultry deep brown eyes. Matangos ang ilong nito at may may maninipis at bahagyang mamula-mulang mga labi. The air around them suddenly became thick making it hard for her to breathe. Her heart started beating weirdly and she didn’t like it a bit. Alam niya kasi kung anong ibig sabihin ng anomalyang iyon at hindi iyon matanggap ng bawat himaymay ng pagkatao niya.             Awtomatikong kumilos ang mga kamay niya at itinulak niya si Louis palayo sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito. Calm down, heart. s**t! Bakit nagpapa-epekto ka sa ugok na `yan? Di kayo magka-level! She really needed to chain her heart.             Ang pagtikhim ni Louis ang nagpabalik sa kanya sa saglit na pagkakatuliro. Nang lingunin niya ito ay hindi na mawala ang ngisi ng tagumpay sa labi nito. Iyon ang nagpabalik sa kanya sa tamang pag-iisip. Tinaasan niya ito ng kilay.             “Oh? Ano? Tama ako, diba?” ngingiti-ngiting tanong nito. “Ehem, I’m gladly taking my price.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD