Kung may listahan man ng mga pinakaayaw na tao ni Alexa sa mundo, malamang ay nangunguna roon ang makulit na regular customer sa Akira’s Cuisine at kaibigan ng ate Akira niyang si Louis Aquino. Wala na kasing ginawa ang lalaki kundi ang walang sawang magpapansin sa kaya. She hated him for years now dahil ito ang may kasalanan kung bakit naudlot ang supposedly first romantic relationship niya noong college kaya abot hanggang outer space ang galit niya dito.
Ngunit nagbago ang lahat nang kidnap-in siya ni Louis at ang magaling niyang kapatid, tinulungan pa ang lalaki! Sa Mystic Landia siya dinala ni Louis, isang resort sa Batangas. Everything between them changed the moment they attended that Party of Destiny hosted by a so-called Lolo Kupido. Ang dating damdaming pilit niyang ibinaon six-feet underground ay muling nanumbalik.
Ang kaso, kung kailan niya naman na-realize ang nararamdaman niya, saka niya naman malalamang meron na palang ibang pinangakuan ang lalaki ng kasal…