Chapter 10 Dragon world

497 Words
Sandra greeted her teeth going back to the pantry. "How could be so rude like that?Nag-offer lang naman ako baka hindi pa siya nagbreakfast. Kungsabagay ano ba pakialam ko," pakausap niya sa sarili bago kinuha ang sariling tasa ng kape at nagtungo na sa kanyang table. "Ayokong mastress, but no one shout at me like that. kahit ang dati kong boss. Kung makasigaw akala mo nakaloud speaker ang bunganga. Gwapo sana kaso maladragon talaga." Natigilan siya sa huling nabanggit. "So, you admit. Kanina yummy ngayon gwapo, oh my dear," usal ng isang bahagi ng kanyang isip. "Shut up!" bulyaw niya sa traydor na isip. Napailing na lang siya. Hihigop na sana siya ng kape ng biglang tumunog ang intercom na nakakonek sa office ni dragon. Padabog niya itong sinagot, "He-" "Come to my office, now!" pasigaw nitong putol sa kanya bago pa siya nakasagot ay busy tone na ang narinig niya. "Wala ka talagang manners, dragon!" mahina pero madiin niyang ganti sa kawawang intercom. Padabog niyang kinuha ang isang folder kung saan nakalagay ang schedule nito. Bumuga muna siya ng hangin bago kumatok sa pinto. Kalma self. "Come in." Pinihit na niya ang door knob at tuluyan ng pumasok. Kita niya itong nakayuko na tila may binabasa sa nakabukas na laptop nito. She rolled her eyes. "Why are you rolling your eyes, Ms.Santiago?" Shit! Nahuli pa ako, anak ng teteng talaga. Tumikhim muna siya bago humarap dito, pero nakayuko pa rin ito. Paano niya nakita? "Don't rolled your eyes at me. That is disrespectful! Understands!" sigaw nito at nag-angat ng tingin sa kanya. Gusto niyang irapan ito pero next time na lang naka one point na kasi siya. "Noted, Mr.Villaflor," tanging isinagot niya para wala nang usapan. "Did you change the brand of coffee today?" tanong nito bago ibinalik ang tingin sa laptop nito. "No, Mr.villaflor." "You sure?" nagdududa pa nitong tanong sa kanya. "You could check it to the pantry room Mr.villaflor. Bakit ko naman papalitan ang brand ng coffee n'yo. It is my second day, hindi naman ako pakialamera para gawin 'yun kahit hindi patok sa akin ang taste n'yo," walang preno niyang sagot dito. Late na niya marealized na sumobra yata dahil matalim na itong nakatingin sa kanya. Napayuko tuloy siya. Pahamak na bibig ito. "Don't you dare answer me by being sarcastic Ms.Santiago!" Napapitlag siya dahil sa lakas ng boses nito at paghampas nito sa table. Ipinikit niya na lamang ang mga mata at pinapakalma ang sarili. Habang ang isang kamay ay humigpit ang pagkakahawak niya sa folder na dala at ang isang kamay ay naikuyom niya. Namumuro ka na kakasigaw, dragon, ah! "Out!" muli nitong sigaw. Mabilis niyang nilisan ang opisina nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban pabalik sa kanyang pwesto. "Welcome to the world of my dragon boss!" Imbes dibdibin niya ang katatapos lang ng pagbuga ng apoy ng dragon niyang boss ay itinuon na lamang niya ang atensyon sa trabaho. Buti na lang walang meeting ngayong umaga ang boss niyang dragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD