Chapter 9 Coffee

1333 Words
Mabilis na nakarating si Sandra sa VCM. May nakasabayan siya sa pagpark ng motor, sa tabi mismo niya. Napatingin siya sa wrist watch its 7:05am, napaaga ang dating niya. Bumaba na siya kay sky. Pareho pa silang nagulantang ng katabi niya nang sabay nilang inalis ang kanilang helmet. "Jayson?" "Sandra!" sabay pa nilang naibulalas. Nagtawanan tuloy sila. Nakita niyang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakunot noo pa ito. "Your wearing a pants? Diko alam na may ganyang available na uniform pero bilang secretary ng ceo. I think you better wear skirt," pahayag nito. "It's fine with me atleast magagamit ko si sky as service kung nakapants ako." Inayos na niya ang pagkakalock ng helmet at ni sky. "You got a nice motor and you even name it. I want to believe to Clara about you being..." Napalingon siya dito dahil sa pangbitin nitong pahayag. "A lesbian?" tuloy nito. "What's wrong driving a motor and wearing a pants as uniform. Wala naman sa rules and regulation na bawal diba? We are in a free country so do what we want," mahaba niyang paliwanag. Nakita niya ang pagrehistro ng lungkot sa mukha nito. "I hope I can be like you. I can freely show and be what I am." Pilit itong ngumiti. Ramdam niya ang pait sa bawat salita nito. "Huwag mo na nga pansinin iyon, tara na." Humawak pa ito sa braso niya. Hinayaan niya na lamang ito. At sumabay dito sa paglalakad. She had friends in her previous job. No, correction officemate. Hindi niya alam pero hindi siya komportableng may makalapit sa kanya. Si Clara lang ang matagumpay na napasok ang mundo niya. Siguro natatakot pa din siya, na baka kung kelan malapit na siya sa mga ito ay bigla siyang iwanan tulad noon. Sadyang matigas lang ang bumbunan ni Clara kaya hinayaan na niya. Siniko siya ni Jayson na nagpabalik sa kanyang sarili. "Lalim ng iniisip, ah, baka malunod ka, haha. Pakita mo na nga I'd mo," pang aasar pa nito. Doon lang niya namalayan na nasa may entrance na sila. Mabilis naman niya ipinakita ang I.d niya at isinuot ito. Nakita niya ang pageksamin sa kanya mula ulo hanggang paa ng mga security guard. Parang si Jayson lang, mukhang siya ang magiging trending sa araw na ito. Ano ba mali sa suot niya, uniform naman ito, ah. Hinila na siya ni Jayson. "manong una na kami bago nyo pa siya maubos sa tingin niyo." Rinig niyang wika ni Jayson sa mga ito. "Expect more to come, Sandra. Tulad nga ng sinabi ko hindi uso 'yang ayos mo lalo na ikaw pa man din ang secretary ng ceo," pagbabanta nito. Nagkibit balikat lamang siya. "Goodmorning!" "Ay malandi!" "Ay p*ke" sabay pa nila ni Jayson na sigaw. Dahil sa taong nanggulat sa kanila mula sa likuran at ngayon nakaakbay na sa kanila at napapagitnaan. Tinignan niya ito at ang loko, ang lawak pa ng pagkakangisi. "Asan ang p*ke? Sino malandi," ngising aso pa nitong tanong habang inakto may hinahanap. "F*ck you Raymond," inis na wika ni Jayson "Huwag ka ngang manggulat at pwede ba alisin mo 'yang kamay mo sa balikat ko, feeling close, ah." Siya na mismo ang nag-alis ng kamay nito. Naiinis siya, ayaw niya pa man din nang ginugulat. Itinaas naman nito ang dalawang kamay senyales na sumusuko ito. "Sorry na, hindi ko naman alam na magugulatin kayo, ahaha!" Natatawa pa ito sa kalokohang ginawa. Nang bumukas ang elevator ay sabay-sabay na silang pumasok. Ayaw niya maging malapit sa kahit na kanino, kung ano siya sa dati niyang trabaho ay dapat ganun din. Walang makakabali kaya dapat niya ng iwasan ang mga ito. Pero paano niya ba iiwasan kung ibinilin siya ni Clara sa mga ito. Para lang siyang bata, mas matanda siya dito ng isang taon. "Sandra, nice uniform bagay sayo." Napabaling ang tingin niya kay Raymond. Ito pa lang ang ang unang pumuri sa kanya. Kungsabagay ano ba naman aasahan niya sa isang playboy. "Raymond, seriously? Pwede ba 'wag kami! Hindi mo makukuha si Sandra sa ganya, hindi nga kayo talo,di ba?" sarkastikong wika ni Jayson. Napakamot naman sa ulo si Raymond. "Burn!" pang-aasar pa niya dito. "Pero thanks for the compliment." Nauna ang mga ito lumabas sa 25th floor. Napag-alaman niyang sa accounting department ang mga ito at si Raymond ang head. Not bad, mukhang matino naman ito pagdating sa trabaho. Nang makarating sa 30th floor ay nag-in muna siya sa computer bago nagtungo sa restroom para mag-ayos ng konti lang naman. Nang makuntento sa ayos ay lumabas na siya para i-ready ang coffee ni dragon. Napangiti siya sa binansag niya sa boss. Habang pinapainit ang kape ay nagpunta muna siya sa kanyang table para i-check ang schedule ni dragon. Narinig niya ang pagtunog ng private elevator tanda na...nandito na si dragon!ang aga naman.Bigla siyang napaayos ng tayo. Tama nga siya dahil nakita na niya ito naglalakad, parang nagslow motion ang sandaling iyon. Her boss walking while brushing his wavy wet hair using his fingers, wearing his business attire while his other hand is inside of his pocket..He looks so yummy! F*ck! Kelan pa ako naging mahalay, nahawa na yata ako kay Clara. Bumaling ang tingin nito sa kanya kaya sigurado siyang nahuli nitong pinagnanasaan esteh pinagmamasdan niya ito. Hindi naman niya inalis ang tingin dito. Kaya napansin niya ang pagkunot ng noo nito habang pasimple siyang pinasadahan ng tingin.. Expected ko na! Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng nakapants. Alien yata mga tao dito. Hays. Nang isang hakbang na lamang ang layo nito ay yumuko siya para batiin ito. "Goodmornimg Mr.Villafor." Ngumiti pa siya ng napakatamis. Tumigil ito sa harap niya at tinignan lamang siya bago dumiretso ng lakad papunta sa opisina nito. Wtf! Pakatodo smile ko tapos wala man lang sukli. Pati pagbati, pahirapan. Bastos ka dragon! "I want my coffee." Napapitlag siya ng marinig ang boses nito. Pagkalingon niya ay ang pagsara ng pinto ng opisina nito ang bumati sa kanya. "Ayoko masira ang araw ko," usal niya sa sarili. Nagtungo na siya sa pantry para ihanda ang kape nito. Lagyan ko kaya ng lason ito... pero wag na sayang ang ganda ko kung magiging kriminal lang ako. ..... Pagkapasok ni Aj sa opisina ay napangiti siya. His secretary is interesting. Seeing her wearing that uniform give him many questions in mind. Pero aminin mo, she's still look hot. Napailing na lang siya sa pumapasok sa isip niya. Hindi niya din alam bkit ang aga niya pumasok it just 7:30am. Excited kang makita kasi siya. usal ng isang bahagi ng utak niya. Hindi niya pinansin ang binubulong ng isip niya. Diretso siya umupo sa swivel chair at sumandal dito. Hindi niya naiwasan alalahanin kung paano niya ito nahuling nakatitig sa kanya. But still he is avoiding to have an eye to eye contact to her. Narinig niya ang pagkatok sa pintuan. "Come in." Ipinikit niya ang mga mata. Ramdam niya ang paglapit nito. "Mr.Villaflor, your coffee is here. Do you want anything like bread, pancake or anything?" napamulat siya ng mga mata at diretsong tumingin dito.Hindi naman ito umiwas ng tingin. "F*ck!" mahina niyang mura at umayos ng upo. Why his heart react like this by seeing her eyes. Gusto niya makipagtitigan dito pero natatakot siya sa pwedeng makita nito. "If I want anything I will tell you!Now, Leave!" sigaw niya dito.Nakita niyang natigilan ito at gumalaw ang panga. That's it! Get angry and don't be kind! "About your schedu-" "I said out! I will call you if I want to know about it. Now out!" muli niyang sigaw dito. Umirap ito sa kanya bago ito lumabas. Nakatingin pa rin siya sa pintuang nakasara. This is my way to secure myself. Hindi niya gusto ang epekto nito sa pagkatao niya. Mukhang ilalabas niya muli ang pagkabeast niya na matagal ding nanahimik. Napatingin siya sa kape dinala nito. Kinuha niya ito at sumimsim. "Hmm, taste good. Did they changed brand? Bakit parang mas masarap ito?" wala sa sariling naitanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD