Chapter 7 Dream

1246 Words
Napapailing na lang si Sandra pagkakita sa gate nila na nakabukas na. Diretso niyang ipinasok ang kanyang motor sa garahe at ipinark ito ng maayos. Inalis niya ang kanyang helmet at bumaba na kay sky. "Ako na, pumasok ka na sa loob." Awat sa kanya ni Samuel ng tangkain niyang kunin ang cover ni sky. Napalingon siya dito, nakita niya ang seryosong mukha nito. Napakunot noo siya pero nilagpasan lamang siya ng kapatid, nabaling ang tingin niya sa may pintuan at nakita si Sammy na nakatayo habang nakasandal sa hamba ng pinto. Napapangiti na lang siya habang nagsimula na maglakad papasok.Siya ang matanda pero daig niya pa ang isang teenager sa inaasta ng kambal. Nagtuloy-tuloy lang siya sa loob. Napatingin siya sa kanyang wrist watch, 10pm na kaya pala ganun ang inaasta ng kambal. Baliw kasi si Clara imbes sa restaurant ay sa bahay ng mga ito sila nagdinner. Nalaman kasi ng parents nito na magkasama sila. Malapit rin kasi ang loob niya sa mga ito. Kungbaga second parents na ang turing niya sa mga ito. Kaya napahaba ang kwentuhan. Nakisali pa ang boyfriend nito dahil tuwang-tuwa makita si sky. Nalaman niya na isa ito sa mga hilig ni Anthony at kuya nito pero pinagbawalan ng mga magulang dahil naaksidente ang kuya nito na muntik ng ikamatay. "Interview till 10pm?" Rinig niyang wika ni Sammy na may bahid ng pagdududa sa boses nito, naudlot tuloy ang pagbabalik tanaw niya. Inilapag niya ang mga dala sa may center table sa living room at umupo sa sofa. Nakaharap na siya ngayon sa kambal na parehong nakapamaywang at matiim na nakatitig sa kanya. Hays! Ako ate, ah! "After the interview diretso na din ako ng first day. Saka diba tumawag ako sayo Sammy. Sabi ko magkasama kami ni Clara kaya ito ginabi," walang gana niyang paliwanag. Isinandal niya ang likuran sa may likuran ng sofa at pumikit, she felt so drained. Ramdam niya pa rin ang dalawang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Napangiti na lng siya. Super protective kasi ng mga ito sa kanya lalo na sa ilang beses na muntik ng may mangyaring masama sa kanya. Kahit naman alam ng mga ito na kaya niyang ipagtanggol ang sarili. "Wow! At kelan pa nangyari na after interview ay first day na agad. How about your requirements?" nagdududa pa ring tanong ni Sammy. "Saka kung nagfirst day ka na, bakit nakipagkita ka pa kay ate Clara. Look at yourself, you look so tired. Dont make us worry, ate," nag-aalalang boses ni Samuel. Napangiti muli siya kaya mahal na mahal niya ang mga ito. Umayos siya ng upo at tumingin sa kambal. Isinenyas niya ang isang kamay na tumabi sa kanya. Mabilis naman nagsilapit at umupo sa magkabilang gilid niya. "Ang sakit ng mga paa at balikat ko," aniya habang pinalungkot pa ang boses at mukha. "Tsk!" sabay pang tugon ng kambal. Pagkatapos pumwesto si Sammy sa likod niya habang si Samuel naman ay sa mga paa niya. Sinimulan na siyang masahiin ng mga ito. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Hindi talaga siya matitiis ng kambal, kahit naman siya never niyang matitiis ang mga ito. Ang kambal na lang ang pamilya niya. "Saan ka ba natanggap at talagang nagfirst day ka na?" pag-uusisa ni Samuel habang patuloy siyang minamasahe sa paa. Natigilan siya, oo nga pala walang ideya ang kambal na papalitan niya si Clara. Mukhang another argument na naman ito. Alam din kasi ng mga ito ang pinagdaanan ng kaibigan niya. Napabuga siya ng hangin, kumukuha ng lakas ng loob. Hindi dahil naduduwag siya, ayaw niya lang nagtatalo silang magkakapatid at sigurado siya na any moment na yun. "Stop it, ok na ako, thank you. Kaya love na love ko kayo, eh," wika niya at binigyan niya ng halik sa pisngi ang mga ito. Umayos ng upo ang kambal sa tabi niya. "Talk." Basag ni Samuel sa namagitang katahimikan. "I know you have something to tell, we're listening." Muli siyang napabuga ng hangin bago nagsalita. "Pinalitan ko si Clara bilang secretary," pag-uumpisa niya. "What?!" sabay pang bulalas ng kambal. Napapikit na lang siya at kinagat ang ibabang labi. Sinasabi ko na nga ba. "Bakit hindi mo ipinaalam sa amin kaninang umaga?" Bakas ang pagkadismaya sa boses ni Samuel. Nanahimik naman si Sammy. Pagganito kasi pagtatalo ay hinahayaan niya muna si Samuel, magsasalita ito kapag kailngan na. Kambal ang mga ito pero sabi nila mas matanda ang unang lumabas at si Samuel iyon. Hindi man nito tinatawag na kuya si Samuel ay malaki naman ang respeto nito dito maging sa kanya. "Nawala sa isip ko saka hindi pa rin naman ako sigurado na matatanggap ako," tugon niya. "Kaya pala, after interview first day agad ganya ba kasama ang boss ni ate Clara. Ang pinagtataka ko pa, alam mo naman yun,di ba? Pero sumige ka pa din.l," patuloy na sermon ni Samuel. "Wala lang akong choice. I need job at malaki ang offer, sayang naman kung sa iba pa mapunta. Saka wala ba kayong tiwala sa akin, I can handle this ok." "May tiwala kami sayo pero dyan sa magiging boss mo, wala." Di na napigilang singit ni Sammy. Napataas naman ang isang kilay niya. Kungsabagay hindi niya masisisi ang mga ito. "Tignan mo nga pinagfirst day ka agad," patuloy na reklamo ni Samuel. Isa na lang naiisip niya para matapos na ang usapan. "I am really so tired, I want to rest. Pwede bang to be continue na lang bukas?" nagpuppy eyes pa siya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. Bigla naman lumambot ang tingin ng kambal sa kanya. "Matulog ka na, to be continue tomorrow." Napangiwi siya sa tinuran ni Samuel akala pa man din niya tapos na hindi pa pala. Mabilis niyang hinalikan muli sa pisngi ang kambal. Kukunin na niya ang kanyang bag sa table ng maalala ang uniform. Nakangiti siyang bumaling sa kambal. "Please wash my uniform for tomorrow, kahit 'yung pants with blouse lang. Mas prefer ko kasi suotin 'yun, thank you," nakangiti niyang wika sabay kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto bago pa man sumagot ang kambal. NAPABALIKWAS ng BANGON si Aj dahil sa muling pagdalaw ng isang panaginip. Hinihingal siya habang pilit na inaalala ang panaginip. Ang tagal na din simula ng dalawin siya ng panaginip na iyon. Bakit tila mag-uumpisa na naman nitong guluhin ang kanyang pagtulog. Sa kanyang panaginip at may isang batang babaeng umiiyak sa tabi ng isang ilog. 'Yun lang ang malinaw sa kanya. Kahit ang mukha nito ay hindi niya maaninag, rinig na rinig niya lang ang paghagulhol nito. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Dammit! Sino ka ba talaga? Anong kinalaman mo sa nakaraan ko? Bakit wala akong maalala. Nang wala siyang makuhang sagot sa mga katanungan ay muli niyang ipinikit ang mga mata, pero agad din naimulat. Lumitaw kasi ang nakangiting mukha ng kanyang bagong secretary. "F*ck!" Di niya napigilang mura. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang isang baso at alak na nakalagay lang sa may side table ng kama. Lagi itong nakalagay dun dahil nga sa tuwing napapanaginipan niya yun ay hindi na siya dalawin ng antok. Kaya idinadaan niya sa alak. Pero ngayon hindi na lang ang panaginip ang gumugulo sa kanya kungdi pati na rin ang bagong secretary. "F*ck! It can't be and will never be," aniya bago nilagok mismong bote ng alak hindi na niya ginamit ang baso. Nang makalahati niya ito ay naramdaman niya na din ang pagpikit ng mga mata. Hanggang sa tuluyan na siyang hilahin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD