Chapter 6 Meet beshie bf

845 Words
Mabilis lumipas ang oras ng di namamalayan ni Sandra. Ang dami kasi itinuro ni Clara sa kanya, isang araw pa lang siya pero feeling niya punong-puno na ang utak niya. Buti na lang at maghapon din wala yung dragon sabi ni Clara may meeting ito outside at mukhang hindi na babalik. Mas pabor sa kanya iyon dahil hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa tuwing malapit ito. Tulad na lng kanina ng magbilin ito kay Clara, pansin niya pa ang pagtitig nito sa kanya pero nanatili siyang nakatuon sa monitor. Hindi naman siya ang kinakausap kaya di niya kailangan tignan ito at baka lalong magwala ang puso niya. "Good day, hon," tinig ng isang lalaki ang pumukaw sa kanyang nawawalang sarili. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang humalik ito sa labi ni Clara, nanlaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan. Oh, my beshie! Napalingon sa kanya ang lalaki kaya nahuli siya nitong nakatingin. Akala niya ay sisitahin siya nito pero ngumiti ito sa kanya. Narinig niya si Clara na humagikhik sa tabi nito at nakatingin na din sa kanya. "Yung mata mo beshie, para namang nakakita ka ng rated spg, kiss lang iyon ok," nang-aasar pa na wika ni Clara. "By the way beshie, meet my yummy boyfriend, Anthony Dale Villafor. Hon, meet my beshie, Sandra Lyn Santiago. She will be your cousin new secretary," pagpapakilala ni Clara. Ngumiti ito sa kanya at inilahad ang kamay na mabilis naman niyang tinanggap. "Finally, I meet you. Is nice meeting you, Sandra," nakangiting wika nito. "The pleasure is mine Mr.Villaflor," sinuklian niya ito ng ngiti. "Oh, c'mon! Anthony will be fine hindi ako ang pinsan ko na ayaw magpatawag sa first name," biro nito. Mas lalo siya napangiti. Ngayon may idea na siya kung bakit hulog na hulog ang beshie niya dito at napunlaan nito. Smiling face ito na mas lalong nagpalitaw sa gandang lalaki nito. His a total package, ika nga nila. Pero mas may dating si dragon Mabilis niyang inawat ang biglang ideyang pumasok sa kanyang isipan. "So, let's go," rinig niyang sabi ni Anthony Kinuha nito ang bag ni Clara at inalalayan ito. How sweet! Sumunod na rin siya sa mga ito, dala ang kanyang bag at ang paper bag kung saan nakalagay ang magiging uniform niya. Sinamahan siya kanina ni Clara sa Hr department para maasikaso ang kanyang kontrata at iba pang kailangan. Sabay-sabay silang pumasok sa elevator. Si Anthony na ang pumindot ng button pababa sa ground floor. "Sumabay ka na sa amin, idaan ka na namin sa bahay mo, Sandra," pag-aalok ni Anthony sa kanya. "No, thanks, sir Anthony. I have my service," pagtanggi niya sa alok nito. "Beshie, join us to dinner. Baka maging busy ka lalo niyan mas lalo tayong mawawalan ng oras magkita. Saka para ma-i-share ko pa sayo yung ibang dapat mo pang malaman," singit ni Clara. Nilingon niya ito at binigyan ng tingin na nagsasabing hindi mo pa naituro lahat? Nakatingin din ito sa kanya na may ngiting nakakaloko sa labi. Na parang nagpapahiwatig na marami pa siya dapat malaman. "Yang tinginan nyong yan nakakatakot, ah," sabat ni Anthony habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Clara, nakapagitna kasi ito sa kanila. Sabay silang natawa dahil sa pahayag nito. That's one of the good thing for having a beshie, kaya nilang mag-usap gamit lamang ang mga mata. "Sige na beshie, sama ka na sa amin." Muling pangungunbise ni Clara sa kanya at ngumuso pa ito. Isip bata pa rin,tsk! "Oo na, kung di ka lang buntis, eh. Tutal mukha ngang magiging BUSY ako." Pinagdiinan niya talaga ang salitang busy. Para namang bata itong pumalakpak. Nakita niyang ngumiti si Anthony habang nakatingin kay Clara. Kita niya ang kislap sa mga mata nito. He really loves her beshie. "Convoy na lang tayo, sir Anthony. Dala ko kasi si sky, eh." Bago pa man ito makasagot ay bumukas na ang elevator. "Saan ba tayo magdinner, para dun na lang tayo magkita," muli niyang tanong habang naglalakad na sila palabas ng building. "Beshie, dun sa favorite natin," si Clara ang sumagot. "Sino si sky?" nakakunot noo tanong ni Anthony habang naka-alalay pa din ito sa paglalakad kay Clara. Pagkalabas nila sa building ay huminto siya at humarap sa mga ito na nakahinto na din. "Magkaiba kasi way natin, dun ako sa mga motor." Sabay turo niya ng hinlalaki sa gawi kung saan nakapark ang mga motor. "at si sky ay pangalan ng aking motor," aniya sa mga ito. Nakita niya ang paglaki ng mga mata ni Anthony na tilang di makapaniwala sa sinabi niya. "Your driving a f*cking motor?" di nito napigilang bulalas. Nagtataka naman niyang tinignan ito. "Wow! that's amazing, can I see it?" namimilog pa din ang mga mata nitong wika. "Hon, later sa restaurant na lang ok. Basta motor talaga hindi mo palalagpasin," singit ni Clara sa kanila. "gutom na kami ni baby." "Oh! so sorry hon," apologetic nitong wika. Bumaling muli ito sa kanya. "let's meet at the restaurant." Tinanguan niya lang ang mga ito at naglakad na rin patungo kay sky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD