"What?!" Nanlalaki ang mata ni Clara na nakatingin kay Sandra.
Nandito sila ngayon sa may canteen dahil lunch break.
Naikwento niya kasi dito ang nangyari sa kanyang dating trabaho.
"Hinaan mo nga 'yang boses mo, agaw pansin lang," bulong niya dito habang ginagala ang tingin.
"Kaya naman pala nagtataka ako at ang bilis mong pumayag. Tapos ok lang na magstart ka na, 'yun pala wala ka ng work. Kung hindi pa kita tinawagan wala kang balak ipaalam sa akin. Anong klase kang beshie." Pinalungkot pa nito ang boses na tilang aping-api.
Nabaling tuloy ang tingin niya dito at pinagmasdan ito. Umakto pa itong maiiyak.
Ito ba talaga nagagawa ng pagbubuntis?Nasisiraan na ng bait, kung ganun, ayoko na magbuntis.... joke lang.
"Matino pa ako beshie kaya tigilan mo 'yang iniisip mo. Nakakapagtampo ka naman talaga, eh." Muli nitong hirit.
Napailing na lang ako. She know me well.
Uminom muna ako ng tubig bago ito hinarap. "Sorry na beshie, masyado kasi mabilis mga pangyayari. Magulo pa 'yung utak ko. Alam mo naman kapag nasapian ako. Saka I tried to call you but your not picking up. Ako yata magtatampo dahil nakalimutan mo na ako porket my boyfriend ka na. Speaking of that guy, kelan mo naman ipapakilala sa akin? Nakapagpunla na siya sayo pero never ko pa siya nameet." Siya naman ang umaktong nagtatampo dito.
"So, tampo ka na niya beshie? Paano ko ipapakilala, lagi tayong busy diba? Pag free kami, ikaw hindi. Kapag free ka kami naman, hindi. Pero don't worry you will meet him later, susunduin niya ako," kinikilig nitong sabi.
Magsasalita pa sana siya ng biglang may umupo sa bakanteng silya sa table nila. Tinignan niya ang tatlong tao na bigla na lng nagsiupo ng walang paalam.
Wala ba talaga mga manners tao dito parang si dragon lang...
"Clara, ipakilala mo naman kami sa magandang binibini sa tabi mo," wika ng isa sa mga lalaking naupo.
She look at the guy, his good looking, alright, pero mapaghahalataan ng isa itong playboy.
"Raymond, don't try, dahil hindi kayo talo niya." Napangiwi siya sa sinabi ni Clara.
Baliw talaga kahit kelan, hindi na nagbago.
"By the way, guys. She is Sandra Lyn Santiago. The new secretary, kapalit ko so, I hope maging mabait kayo sa kanya. Ipagkakatiwala ko siya sa inyo." Dugtong pa nito bago humarap naman sa kanya. "Beshie, siya si raymond." Turo nito sa lalaking nagsalita kanina. "Siya naman si Jayson pag nandito sa work." Nilapit pa nito ang bibig sa may tenga niya at bumulong, "Dyesebel pag sa gabi." Sabay hagikhik nito.
"Hoy, Clara ayusin mo nga 'wag mo ko siraan baka mapanganak ka ng dis-oras dito," reklamong wika nung Jayson. Malalim ang boses nito pero kita niya ang paglantik ng kamay nito.
Confirm. Napangiti siya.
"Bakit hindi ba totoo." Laban pa din ni Clara, bumaling muli ito sa kanya. "At siya naman si Sarah, mabait naman 'yan lalo na pagtulog." Nakita niyang sinamaan nung tinuro nitong Sarah ang kanyang beshie.
Mukhang magkakasundo kami.
"Nice to meet you all," nakangiti niyang wika sa mga ito bago inabot ang kamay para makipag handshake sa mga ito. Isa-isa naman nilang inabot ito. Ang huli ay si Raymond na nagtagal at bahagya pa nitong pinisil, bigla niya binawi ang kamay.
"Raymond, back off ok. Like I said don't try baka mabalian ka ng buto," pagbabanta ni Clara dito. Ngumiti lamang si Raymond.
"You mean Clara, she's lesbian?" singit na tanong ni Jayson.
Napansin niyang natuon ang tatlong pares ng mga mata sa kanya.
Naiiling na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.
"That's for you guys to find out," nakangising wika ni Clara. "kayo ba ay di magsisikain?"
"Tapos na kami, palabas na dapat kami ng makita ka nga namin ng may kasama kaya naisipan namin lapitan kayo," sagot nung Sarah at muling ibinalik ang tuon sa cellphone nito.
"Para makipagtsismis, kayo talaga ayaw n'yong nagpapahuli sa balita. Tsk! Pero guys basta kayo na bahala dito sa beshie ko, ah. Raymond, sinasabi ko sayo tantanan mo itong beshie ko kahit na gusto ko na itong maging babae ay di kita type para sa kanya."
Dahil umiinom si Sandra ng tubig ay bigla siyang nasamid sa tinuran ni Clara.
"Ui, beshie ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito at hinagod ang likod niya.
"Ayos lang ako beshie, ikaw naman kasi ano ba 'yang pinagsasabi mo baka mamaya maniwala pa mga 'yan." Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Problema na nila 'yun kung maniniwala sila, 'no."
"So, ibig sabihin walang chance na magkaroon sila ng future ni boss?" tanong ni Jayson.
Napakunot noo naman siya dahil sa narinig, hindi niya kasi ito maunawaan.
"Syempre meron 'no, si dragon kaya ang bet ko sa kanya," kinikilig na wika ni Clara
Lalong kumunot ang noo niya.
Ang kilala ko lang naman na dragon ay si Mr.Villaflor, maya-maya ay bigla kong narealized ang paksa ng mga ito.
Nawala ang pagkakakunot ng noo niya pumalit ay ang pamimilog ng kanyang mga mata na bumaling sa beshie niya. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanya at nakangisi.
"Clara Dizon, tigilan mo 'yang pumapasok sa utak mo. Nabuntis ka lang kung ano-ano na naiisip mo. Trabaho lang ang ipinunta ko dito," wika niya dito.
"Wait, sinong dragon?" naguguluhang tanong ni Jayson.
Yumuko si Clara at isenenyas ang kamay na ilapit ang mga ulo nila. Nagsisunod naman ang mga ito pwera sa kanya na di pa rin maipinta ang mukha.
"Dragon ang tawag ni Sandra kay Mr.Villaflor," mahina nitong bulong.
Narinig niyang napasinghap ang tatlo, habang si Clara naman ay tumatawa.
"Oh my gosh, girl." Lumitaw ang pagkabakla ni Jayson dahil sa pagkakabigkas nito sabay takip pa sa bibig.
Naiiling naman si Sarah habang nangingiti, habang si Raymond ay makikitaan mo ng amusement sa mga mata.
"Hoy beshie, baka kainin mo 'yang sinasabi mo. Baka kapag nakita mo ang buddy ni dragon kusa kang kumanta," ngising aso turan ni Clara.
"Bakit nakita mo na ba , girl? Daks ba?" Nanlalaki ang mata ni Jayson na tanong.
"Hindi, pero 'yung kay boyfie, daks kaya sigurado pati ung kay dragon. Siyempre magpi-pinsan mga 'yun, 'no." Sabay hagikgik nito na tila kilig na kilig.
Diko napigilan magmura
"F*ck beshie, kelan ka pa naging bulgar ng ganya." Namamangha niyang tanong dito.
"Simula ng matuto akong kumanta at sumayaw ng walang music," ngising asong tugon nito.
Nakita kong natatawa ang tatlong kasama nila.
Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan, hindi naman siya inosente pagdating sa ganung bagay pero hearing that coming from her beshie is really unexpected.
"Gulat na gulat si Sandra sa mga pinagsasabi mo, Clara. Mukhang hindi yata siya sanay sa bagong katauhan mo," nangingiti na wika ni Raymond.
So, matagal ng ganito ang beshie niya at wala siyang kaalam-alam na nacorrupt na ng tuluyan ang utak nito.
"Basta ipagkakatiwala ko siya sa inyo ah, kailangan macorrupt din utak niya para naman may laban siya kapag...ah basta. Sige na oras na, magsibalik na tayo at baka mabugahan tayo ng apoy ng dragon," mahaba nitong pahayag at nauna ng tumayo.
Napilitan siyang tumayo na rin at sabay-sabay nilang tinahak ang daan palabas sa canteen.