"Abaʼy lugi naman ako sa gaas noʼn, Neng! Buti sana kung hinihingi ko ang gas, eh, binibili!" pahayag nito. "Wala ho, akong sinabing hinihingi nʼyo lang! At buti sana kung magbibigay sa inyo kung sakaling hihingihin ninyo. Ipit na ipit na ho, ang pwet ko, rito kaya parang awa nʼyo na! 'Wag na kayong magtawag ng isa at patakbuhin nʼyo na ang jeep!" reklamo niya. "Oo nga, naman, Mamang drayber. Kawawa naman si Ms. Ganda, oh! Mukha na siyang lumpiang payat, dʼyan!" wika ng isang lalaking pasahero. Nagpanting ang dalawang tainga niya sa narinig. Lumpiang payat! Mukha ba siyang lumpiang payat? Kung pektusan nʼya kaya ito! Eh, pinaghirapan sʼyang buo-hin ng magulang niya! At ang daming sp*rm na inilagay ng tatay niya sa ovarian tubables ng kanyang inay para mabuo lang siya! Tapo

