"Actually, baka tandang na ʼyon dahil sa tagal niyang hindi nagpakita sa akin. O, baka naman ostrich na!" muling bulong niya sabay buntong-hininga. "Ano baʼng iniisip mo riyan, ha? Abaʼy gabi na ay nag-e-emote ka pa!" gagad sa kanya ng nanay niya nang mapansin siya nito sa labas. "Wala ho, Inay. Iniisip ko lang ho kung saan ako mag-a-apply ng trabaho bukas," walang gana niyang sambit. "Kuh! Baka si Hermes na naman ang iniisip mo! Malaman iyan ng tatay mo ay magagalit iyon. Lalo at nalaman niya kay Tinang na nagmukha kang baliw sa lalaking iyon! Naglihim ka pa man din sa amin kaya marami kang kasalanan," pahayag ng nanay niya. "Hindi ho ba mabilang ang kasalanan ko, Inay? Ipakulong nʼyo na ako at tubusin din agad," saad niya kaya kinurot siya sa tagiliran ng ina. "Saka, noon iyon, I

