Maryland, Washington D. C, kung saan titira ng apat na taon si Hermes, kasama si Don Kalbo at Donya Salome. Tutuloy silang tatlo sa kapatid ni Donya Salome dahil mag-isa lang naman ito sa tinitirahan nitong bahay. "Welcome to Maryland my loves," bati ng isang ginang na kapatid ni Donya Salome, at yumakap ito sa kanila. "Thank you Tita Ysabelle," pagpasasalamat ni Hermes. "I hope na makapaglalakad ka na, after your surgery, Hijo, " saad nito sa kanya. Ngumiti lang siya rito dahil pagod siya sa biyahe ng ilang oras at samahan pa na hindi siya nakatulog ng maayos sa eroplano dahil si Luna ang kanyang iniisip. At iniisip niya kung anoʼng nangyari sa airport kahapon. "I want to rest, Tita Ysabelle. I'll just talk to you, tomorrow," walang ganang wika niya. "Samahan mo na lang si

