"Damn her! Why is she not answering my calls! Damn!" sunod-sunod na pagmumura ni Hermes dahil kanina pa siya naiinis kay Luna. Nakailang miscalls na siya pero ni isa ay walang sinagot si Luna. Pero kasalanan din naman niya dahil hindi niya nasabi ng maaga na susunduin niya ito sa bahay ni Tinang. At lalo pang nadagdagan ang inis niya dahil si Jerry pala ang kasama nito sa mga sandaling ito. "Put*ng *na! Mag-ano ba sila ni Jerry at close na close silang dalawa!" diin niyang sambit na sinuntok ang manibela. "Niyaya ko siya na maging date ko pero sa ibang lalaki siya sumama! F*ck! That's unfair, Luna!" nanggigil na sambit niya. "I will punish you later, damn!" dagdag pa niya na muling sinuntok ang manibela. Kung tao lang siguro ang manibela, Hermes baka sinuntok ka na rin niya! Mas na

