Bumalik na si Luna sa kanyang mesa. At hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung paano nasabi ni Hermes na kailangan nila ng pera. Tinanggap na rin niya ang sobre na ibinigay ng lalaking boss dahil kung hindi raw niya iyon kukunin ay sesesantihin siya nito. Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin na lang ang sobre na iyon, sapagkat kailangan naman niya talaga ng pera. Alangan namang magpapaimpokrita pa siya? Eh, blessings na 'yon! Pero gusto niyang tanungin si Hermes kung paano nito alam na kailangan nga nila ng pera. Paulit-ulit na naman ba, Luna? Kaso ay nagmamadali itong umalis para makipagkita na sa ka-meeting. Nagulat pa siya dahil dinampihan pa siya nito ng halik sa labi. Kilig ka, girl! Dapat nga ay kasama siya para i-take down ang mga sasabihin ni Mr. Korvi k

