Pagdating niya sa Del Empire ay agad tinungo ang elevator at ilang silang nakasakay roon. Pinagtitinginan pa siya ng mga ibang empleyado, dahil bukod tangi ang suot niyang office attire. At lumaki ang kanyang tainga nang marinig na isa siyang malandi! Tumaas tuloy ang isang kilay niya, pero ayaw niyang pumatol sa kap'wa niya lalo at Kabago-bago lang siya roon. Napabuntong-hininga na lang siya upang ibsan ang inis na nararamdaman dahil baka makasabunot pa siya! "Alam nʼyo ba, girls, usap-usapan na may babaeng empleyado raw dito na sumakay sa kotse ni Sir Hermes," wika ng babae na nasa likuran niya. "Ay, oo nga! Narinig ko rin 'yan kagabi, pakipot pa nga raw iyong babae, eh! Pero sumakay naman sa kotse!" komento pang isa. Halos lumaki ang dalawang ilong ni Luna sa mga naririnig ni

