Tumawa nang malakas si Luna dahil sa hitsura ni Hermes. Para itong bata na naagawan ng lollipop. Ngunit pinukulan lang sʼya ng masakit na tingin ng lalaking amo. At alam na niya kung anong gagawin dito, upang mawala ang inis nito. Nagtoothbrush siya saglit sa kusina dahil sa kinaing chocolates at naghilamos na rin. Pakiramdam kasi niya ay ang kapal ng pisngi niya dahil sa pinahid na face foundation. Hindi siya sanay maglagay ng kung ano-ano sa mukha niya. Polbos lang ay sapat na sa kanya. Agad siyang bumalik sa loob nang siya ay matapos. Ngunit wala na si Hermes doon. Napangiti pa siya nang nakaloloko dahil may naiisip na naman siyang kalokohan. Sinilip niya muna ang magulang at nakanganga na ang mga ito. At ayaw lumapit ng mga lamok sa kanila. Nilapitan nʼya ang dalawang mat

