"Then do it, dahil makapapatay na ako ng tao, ngayon!" galit na sambit ni Hermes sabay lagok ng alak. At tumingin sa kanya. "At makapapatay na rin ako ngayon. . . ng lamok!" saad niya sabay palo sa sa noo ng lalaking amo dahil may kumagat na lamok doon. "F*ck! Ano ba, Ms. Montes, pinagtitripan mo na rin ba pati noo ko, ha!" "May lamok nga, oh!" aniyang ipinakita kay Hermes ang naghihingalong lamok. "Loko ang lamok na ʼto, Itlog dahil baka babae ito, sige ka, mangingitlog din ʼto at gagawin ka niyang tatay," pahayag niya sabay impit na tumawa. Ngunit umiling-iling lang ang lalaking amo sa kanya. "Hay naku! Mas gusto ko pa yatang mabaliw kaysa makausap ka nang matagal!" asik nito. "Ikaw naman, pinapatawa lang kita kasi nasa parte ka na naman ng kaseryosohan, at mahirap ang laging

