Pang anim na araw na nilang nagbabakasyon doon sa Bongabon ngunit puro away-bati na lang ang nangyayari sa dalawa. Halos gabi-gabi kasi kung pumunta si Leonardo sa bahay nila Luna kaya naiinis at laging na lang nagseselos si Hermes. Nakahalata naman si Mang Ramon na parang may kakaiba sa ikinikilos ni Hermes at Luna kaya minabuti niyang kausapin ang binata nang silang dalawa lang ang natira sa bahay dahil sumunod si Luna kay Aling Danna upang samahan ang ina na magtinda sa palengke. Kumuha ng alak si Mang Ramon upang palakasin ang loob dahil matanda na siya ay dinadaga pa rin ang dibdib niya. "Uminom mo na tayo, Hijo. Tutal ay uuwi naman na kayo bukas ng aking unica hija," pahayag nito. Ngumiti si Hermes sa matanda. Nilapag ni Mang Ramon ang kinuhang alak at dalawang baso, sak

