"Malapit ng maghapon, Inay pero, matumal pa rin," reklamo niya habang nag-aayos ng panindang mga gulay. "Ganito talaga sa palengke. May araw na matumal pero may araw din na mabenta," saad ng matandang babae. Napabuntong-hininga na lang tuloy siya, at kinausap na lang niya mga paninda nilang talong, kamatis at iba pa. "Magpabili naman kayo talong, oh! Kayo ang hinahanap-hanap sa gabi dahil mahahaba at malalaki kayo, kaso ang tumal ninyo! Ikaw naman kamatis, sobrang kinis mo na sa sobrang gamit ng kujisan, ang pula-pula mo na ngaʼy wala pa ring pumapansin sa ʼyo. Abaʼy ngumiti naman kayong dalawa. Pinagtabi ko na nga kayo ni talong, dahil bagay kayong magtabi pero halos walang pumapansin sa inyo," sermon niya. "Baʼt mo pinagagalitan mga tinda natin, ha? Baka, magtampo ang mga iyan s

