"Sino ʼyon?" untag sa kanya ni Tinang. "Ewan! Unknown number, eh!" sagot niya. "Bakit, ano bang sabi?" muling tanong ng dalagang pinsan. "Good night daw sa akin. At love you daw," nangingiting aniya. "Tingnan ko nga, baka sakaling kilala ko ang numero," saad nito. Kaya inabot ni Luna ang cellphone sa katabing pinsan. At kinilala nito kung sino'ng nagmamay-ari nang numero na ʼyon. "Kilala mo?" aniya rito. "Oo, ʼInsan! Kay Sir itlog ang numero na ʼto dahil marami siyang miscalls sa ʼyo no'ng papunta ka sa party," komento ni Tinang. Napamaang naman si Luna. Dahil kay Hermes pala ang numero na iyon. Kaya, pala sobrang galit nito dahil hindi niya iyon pinapansin. Bakit, kasi hindi agad siya magpakilala sa kanya. Pero, kinilig pa rin siya dahil sa sinabi nitong 'Love you. Kaso

