Pero may naisip siyang paraan upang makaganti man lang sa tuko na 'yon! Kumuha siya ng plastic bottle, at mini plastic cup sa cabinet. Tinungo niya ang comfort room ng mga empleyado. At magandang timing dahil walang umiihi roon. Gamit ng mini plastic cup ay kumuha siya ng tubig sa mismong kubeta at isinalin iyon sa plastic bottle. At hindi naman halatang galing iyon dahil hindi masiyadong dilaw ang tubig. Napangingisi pa siya habang ginagawa niya ang bagay na 'yon! Sabihin na ang sama niya ngayon kay Valerie, pero bakit ba? Mas mahirap kayang mahulog sa canal, dahil marami siyang nainom na tubig. Agad siyang lumabas ng comfort room upang hindi siya mapansin ng mga palakang tsismosang empleyado. Isinalin niya sa kulay pink na tasa ang tubig na kinuha niya sa kubeta. At hin

