"Mga bruha! Kainis silang dalawa!" bumubulong na saad ni Luna, habang nakasakay siya sa jeep. "Siguradong magsusumbong na naman ang Toks na 'yon kay itlog, pero wala akong paki! Baka, pati si itlog ay ihulog ko rin sa kanal, para malaman niya ang nararamdaman kong sakit!" dagdag pa niya. Ngunit sinita siya ng isang babae. "Hoy, Miss! Okay ka lang ba? Kinakausap mo sarili mo,eh!" untag nito. "H-Ha? N-Nagpapraktis akong magdrama," nangingiting aniya. Kaya, tumango-tango lang ang babaeng katabi. Saka, tumahimik na lang siya. Baka, sabihin ng mga nakasakay roon ay nababaliw na siya dahil nagsasalita siyang mag-isa. Pero, pabulong na nga! Naririnig pa nila! Bumuntong-hininga na lang siya. Nang tumunog ang kanyang phone ay agad niya iyong kinuha. Hindi pa pala niya tinitingnan kung sin

