Pagpasok ni Luna sa sala ay bigla siyang natawa sa nakita, ngunit agad rin niyang tinakpan ang bibig Nadatnan niyang tulog na si Hermes, subalit hawak-hawak nito ang kaniyang hakdog, habang naghihilik. Tiningnan niya ang oras. At pasado alas diyes na pala. Mabuti nga na natulog na si itlog dahil alam niya na magkakayod na naman ito ng niyog. Bumuntong-hininga siya. Kumuha siya ng kumot at unan sa kuwarto upang hindi mahirapan sa pagtulog ang lalaking ceo. Lumuhod siya upang ilagay ang unan sa uluhan nito. Saka, niya ito tinitigan. "Alam kong naiinis ka sa akin, Itlog. Pero, naiinis din ako sa ʼyo. Kelan mo ba kasi ako ituturing na kasintahan sa harap ng tao, lalo na kay Valerie. Kasi, naiinip na ako, eh!" sambit niya. Ngunit alam niyang hindi siya naririnig ni Hermes. Tumayo

