"Kalokohan mo talaga, ʼno! Sa labas na tayo para magkape, baka magising pa si Tinang, eh," sambit ni Luna. "Tulog na tulog ʼyan kaya hindi siya magigising," ngising wika naman ni itlog. "Eh! Basta, sa kusina na tayo," giit nito na bumangon. "Halika na sa labas." "Mag-e-exercise ba tayo, Mahal?" nangingiting sambit pa ni itlog. "Hindi. Saka, ibang exercise iyang gusto mong gawin!" saad niya na lumabas na kaya sumunod sa kanya si itlog. At tinungo nilang dalawa ang kusina upang magtimpla ng kape. "May naalala tuloy ako rito, Sweetheart," ngumingising saad ni Hermes. "Alam ko na iyang galawang itlog, Hermes kaya magkape ka na lang," gagad ni Luna. "Bakit, gumagalaw ba ang itlog, ha? Ang alam ko, kasi ay nabibiyak lang!" pagbibiro ni Hermes. "Ewan ko, sa ʼyo! ubusin mo na iyan.

