"F**k!" sigaw ni Hermes. Nagmura siya, hindi dahil nasaktan ang kanyang likod kundi ay kitang-kita niya ang hubad na katawan ni Luna. "Bakit, kasi hinila mo ko, eh!" sermon ng dalaga sa kanya. "I thought you are. . . Oh, damn!" muling sambit niya na iniiwas ang tingin kay Luna. Mainit na ang kanyang pakiramdam pero lalong uminit iyon dahil nasa ibabaw niya ang dalaga. Naalala naman ni Luna na naalis ang tuwalyang nakabalot sa katawan niya, hindi kasi niya nahigpitan ang pagkababalot niyon. "S-Sir H-Hermes," usal niya. Kung noon unang tapak niya sa bahay ng lalaking amo ay siya ang nasa ilalim, ngayon namaʼy nasa ibabaw siya nito. At hindi niya alam kung paano ba siya tatayo ngayong naalis nga ang nakabalot na tuwalya sa kanyang katawan. Kinabahan tuloy siya! "Sshh. . .

