Agad niyang binawi ang kamay sa kamay ni Leonardo dahil humihigpit na ang pagkahahawak nito. "Uhm, sige, roon na ako sa loob at naghihintay na iyong ibang mga bisita," aniya na hindi tumitingin kay Hermes. "Ihatid na kita sa loob," sambit naman nito. 'Wag na. Riyan lang naman ang bahay, oh! Saka na lang ʼpag pupunta ako ng sementeryo," saad niya. "Bakit, anoʼng gagawin mo sa sementeryo?" kunot noo na tanong nito. "Titirikan kita ng kandila—este, titirikan ko si lolo ng kandila," ngising sambit dito. Nagsitawanan naman ang mga ibang kainuman ng tatay niya maliban kay Hermes na napakaseryoso nito. "Ihatid ka na ni Leonardo, Anak at ibigay mo na rin ang cellphone number mo sa kanya para makapag-umpisa na kayong mag-getting to know each other," mahabang pahayag ni Mang Ramon.

