"Thank you for coming with me tonight, Ms. Pretty," nakangiting saad ni Daniel habang binabaybay nila ang daan patungong greenbelt kung saan kilala ang mga restaurants doon. "Wala, 'yon, Daniel. Hindi ka ba busy kanina?" tanong niya rito. "Hindi naman, Ms. Pretty pero may mga inasikaso ako tungkol sa negosyo," pahayag nito. "Uhm, how's your day in Del Empire? Have you watched Hermes' interview earlier?" sambit pa nito. Bumuntong-hininga siya. "Oo. Biglaang interview yata ang nangyari kanina, dahil sinalubong na siya ng press sa labas," pahayag din niya. "Maybe. But what do you think, Ms. Pretty, magkababalikan ba silang dalawa ni Valerie?" untag nito. "Hindi ko alam, Daniel," walang ganang sagot niya. "Hindi ko naman kasi tinatanong si Sir Hermes sa bagay na 'yan lalo na at perso

