Nagngingitngit sa inis si Luna nang nilisan niya ang locker room ng mga janitors. At halos magkandaugaga siya dahil mabigat ang trash can na dala niya patungong opisina ni itlog. "Kuh! Itlog! Kung p'wede lang na ikaw ang ilagay ko, rito ay ginawa ko na! Kaasar ka!" bulong niya sa kanyang sarili. "Ni hindi mo man lang sinabi na balak mo pa lang magbasag ng mga vase, de sana, hindi ako nag-outfit ng ganito! Kainis ka talaga!" bulong pa niya. Tuloy pinagtitinginan siya ng mga ka-trabaho niya roon. As usual na nakaantabay pa rin ang mga tsismosa! "Janitress na ba ang peg mo ngayon, Ms. Montes?" pang-iinis ni Ms. Protina sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad ngunit hinarang siya nito. "May pagkabastos din pala ang sekretarya ni Sir Hermes," sam

