Humugot muna nang malalim na hininga si Luna bago siya kumatok sa pinto. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula kay Hermes, kaya binuksan na niya iyon. Aty napamaang siya dahil nagkalat ang mga basag na vase roon sa opisina ng lalaking ceo. Tumikhim siya upang kuhanin ang tensyon ni Hermes dahil nakapamaywang ito habang nakatalikod sa kanya. Alam niya na galit ang lalaki, pero nakahanda na ang isasagot niya kung sakaling uungkatin nito ang nangyari kanina. "Ehem! Uhm, S-Sir. Here's your schedule today," pag-uumpisa niya. Ngunit walang tugon si Hermes sa kanya. At nanatili itong nakatayo. "Excuse me, Sir!" sambit pa niya ngunit hindi talaga siya nililingon ni hermes. "Ano bang drama ba ito, Itlog at ang ayaw mong humarap sa akin, ha?" gagad pa niya. "Why did you leave my house wit

