"Baka, magbago pa ang isip moʼt hindi ka na aalis," wika ni ate Madonna. "Kung hindi ako, aalis, Ate Madonna, lalong magagalit ang itlugang ipis na ʼyon, baka hindi lang remote ang maibato niya sa akin," pahayag niya. "Kung hintayin mo kaya sila Ma'am Salome at Don Kalbo?" komento nito. "Hindi na, Ate Madonna. Masakit sa akin na sa ilang buwan ko rito bilang katulong at yaya ni Hermes ay aalis na lang ako na hindi ko alam ang dahilan. Peste kasing puso ʼto, eh! Hindi na lang naging pusong bato! Kundiʼy pusong saging pa!" mahaba niyang pahayag. "Anong klaseng puso ng saging ʼyang puso mo?" untag ni Ate Madonna. "Puso ng lakatan, kasi malambot at mahaba," aniya na umiling-iling pa. "Pinalayas kana nga, nagagawa mo pang magpatawa," wika nito. "Alangan naman na, magmumukmok ako,

