"Gusto mo bang pabalikin namin siya rito, Hijo?" sambit ni Don Miguel. "No, Dad! Mas okay na iyong pinalayas ko siya dahil ayoko na humantong din kami sa hiwalayan," pahayag ni Hermes. "What do you mean, Son?" "I don't want Luna and I to have a relationship because of my situation. At baka masasaktan na naman ako, Dad," malungkot na wika niya. "Maiwan ko muna kayong mag-ama. At may aayusin lang ako. Ikaw muna bahala sa anak mo, Miguel," ani Donya Salome na lumabas na nang kuwarto. Pero ang totoo ay gusto ng Donya na makapag-usap ang dalawa. Matagal na rin kasi simula nang mag-usap ang mga ito nang masinsinan. "Now, tell me, Son. What are your plans now?" "Gusto ko nang makapaglakad, Dad," mabilis na sagot ni Hermes na ikinangiti nang malapad ni Don Miguel. "Tama ba narinig

