"Hindi ko alam kung ano'ng binabalak mo, Valerie. At pumayag kang kunin ka ni Daniel na modelo sa mismong kumpanya ko," matigas na wika ni Hermes. "Because I want to . And I still love you, so I didn't hesitate anymore," sambit ng babaeng modelo na tumayo at niyakap siya nito. Pero pumiglas ang lalaking ceo. Para siyang nandidiri kay Valerie. "You still love me? Damn! after you cheated on me! Bakit, hindi na ba sikat si Gibson, ha?" pahayag niya na itinulak ang babaeng modelo. At napasalampak ito sa couch. Pasalamat ka Valerie dahil malambot iyang naupuhan mo. Si Luna noon ay mismong semento ang naupuhan niya. Napayuko si Valerie. At suminghot-singhot ito. "He doesn't love me, Hermes," pahayag nito pero tumaas lang ang isang kilay ng lalaking ceo. "We lived abroad but he cheate

