"Sorry if I kept you waiting," hinging paumanhin ni Hermes sa limang lalaking investors, kasabay rin non ay ang pagpasok ni Daniel. "Let's go back to the conversation we had earlier," dagdag pa niya. Naudlot kasi ang kanilang pag-uusap kanina dahil sa naririnig na ingay sa labas. Kulob na nga ang conference room na 'yon, pero talagang rinig na rinig nila ang ingay. Kaya lumabas si Hermes upang alamin kung bakit maingay sa labas. Mabuti na lang at medyo hindi mainitin ang ulo ng mga investors lalo at nasa mid forties na ang mga ito. "I'm sorry guys, I'm late," sambit ni Daniel na umupo malapit kay Hermes. Ngunit sinulyapan lang siya ng lalaking ceo, at napabuntong-hininga lang ito. "So, Mr. Ceo. Here's my proposal to you," saad ni Mr. Korvi na inabot sa kanya ang puting folder.

