-=Mary Anne's Point of View=- Nagising ako nang medyo maaga nang umagang iyon, hindi na muna ako tumayo sa kama ko para na din makapag-isip isip. Actually ang unang bagay o mas tamang sabihin ang unang taong pumasok sa isipan ko ay si Zachary Belmonte, sa pagdating nang binata sa buhay ko ay parang biglang nagkaroon ng complication ang complicated ko nang buhay dahil na din sa sikreto ko pero hindi ko hahayaang sirain nito ang diskarte ko, hindi ko hahayaan sirain nito ang new found happiness ko. "Never!' ang bulong ko sa sarili ko, pero kahit iyon na ang mind set ko ay hindi ko pa din maiwasan hindi kabahan habang papalapit na ang oras nang pasukan. "Good morning mom." ang matamlay kong bati sa mommy ko na abala sa pagluluto, umupo na ko sa puwesto ko sa mesa at sabay nangalumbaba.

