-=Zac's Point of View=- Halos mag-iisang linggo na nang tinawagan ako ng kaibigan kong si Tom sa disoras nang gabi na nagpabadtrip sa akin hanggang marealize kong magaling nga pala ito sa computer at kaya nitong malaman ang destination ng isang tao base sa IP Address na galing sa computer nito ngunit simula non ay wala pa akong narinig na balita mula dito. Para na nga akong mababaliw sa kakaisip dito at alam kong napapansin na ng seatmate ko na si Mhean ang palagi kong pagtingin sa cellphone ko. actually kaya ako tumitingin lagi sa cellphone ko dahil nagbabasakali akong makakareceive ng text message sa mokong na iyon. Speaking of Mhean sobrang naweweirduhan na ako sa babaeng iyon, ramdam na ramdam ko habang magkatabi kami sa mga klase namin ay para itong mailap na pusa na any minute ay

