THIRD PERSON ILANG araw nang nakaabang si Magnus sa labas ng village ng pamilya Castillo. Banned kasi siya sa village na iyon kaya hindi siya makakapasok. Alam niyang magpupunta dito si Selah dahil hindi nito matitiis ang pamilya niya. Sinubukan niya kasing tawagan si Stephen upang makibalita sana dito, ngunit hindi na niya ito ma-contact na tila ba nagpalit na ito ng numero. Sigurado siyang binilin iyon sa kanila ni Selah. Sa pang-apat na araw niya na paghihintay dito sa labas ay sa wakas natanaw na rin niya si Selah na sakay ng taxi. Wala siyang sinayang na oras kaya agad niya itong sinundan. Pamilyar sa kanya ang lugar na pinuntahan ni Selah. Ito 'yung dating bodega ng mga paninda nitong mga damit. Noong nalaman niya na pina-renovate ito ni Selah ay lagi na siyang nakamanman sa wa

