SELAH "WALA tayong dapat na pag-usapan, Magnus, kaya ibalik mo na ako sa amin!" galit kong sigaw sa kanya. Magkalayo na kami ng pwesto ngayon, nasa kabilang dulo siya ng kama malapit sa pinto, habang ako naman ay malapit sa balcony. Sinubukan niyang lumapit sa akin kanina pero binato ko siya ng unan. "We have a lot to talk about, Selah," mahina niyang sabi. Nakatitig siya sa akin at mapungay ang kanyang mga mata. Inirapan ko siya at inikot ang aking mga mata upang ipahatid sa kanya na wala akong pakialam. "Magsasayang lang tayo ng oras at laway. Tapos na tayo.. hiwalay na. Ano pa ba ang gusto mo?" Taas baba na ang aking dibdib dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa kanya. "I want to talk to you, Selah! I want you to listen to me!" "At ano naman ang pag-uusapan natin?

