SELAH "SELAH?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Xennox. Matamis na ngiti agad ang sinalubong ko sa kanya. "Hi, Xennox. Good morning!" Napaayos ng tayo si Xennox at sinuri ang kabuuan ko at bakas sa mukha niya ang pinaghalong gulat at pagkamangha. Hindi yata siya makapaniwala sa ayos ko. Nasanay kasi siya na lagi akong naka-shirt na maluwag at short na maong na hanggang taas ng tuhod ko. "What?" natatawa kong tanong dito. Tulala na kasi siya at naka-awang pa ang kanyang mga labi. "Napakaganda mo Selah!" bulalas niya. "Sira! Matagal na akong maganda," sabi ko sabay tawa. "Oo naman!" agap niya habang nakatitig pa rin sa akin. "Duty ka na ba? Tinanghali ka na yata," puna ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi siya nakita. Kanina ko pa nga siya hinahanap dahi

