SELAH NAGULAT ako sa biglang pagsulpot ni Magnus dito sa bahay ni Xennox. Habang nag-e-echo naman ang mga huling kataga na lumabas sa bibig niya kanina. Tila gustong tumalon ng puso ko dahil sa labis na saya na aking nararamdaman. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang magtaka kung bakit nandito siya. At paano niya nalaman na narito ako. "Magnus? W-What are you doing here?" "I'm here to pick you up," may diin nitong sagot. Nagtataka na talaga ako sa mga inaasta niya mula pa kaninang umaga. Kung hindi ko lang talaga alam na wala siyang gusto sa akin, aakalain ko na talagang matagal na niya akong gusto at nagpapakipot lamang siya. Binalingan ko ng tingin si Xennox na nakatingin rin pala sa akin. May pagtatanong ang kanyang mga mata. "Bakit? Akala niyo ba hindi ko kayo mahuhuli? Ano a

