22.SELAH -TRIO DATE

1910 Words

SELAH HINDI ako masyadong nakatulog. Biling-baliktad ako sa kama at paminsan-minsan ay nauuwi sa malalim na pag-iisip. Gumugulo sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Bumangon ako at kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table ko. Ni-dial ko ang numero ni Camille. Alam kong gising pa ito ng ganitong oras. Isang ring lang ay agad naman niyang sinagot ang tawag ko. "Gabi na ah. Bakit hindi ka pa natutulog?" bungad niya. "Kasi naman hindi ako makatulog, Camille." "Bakit ano'ng nangyari? May ginawa na naman ba sa'yo si Magnus?" agad niyang tanong at parang nanghahamon na ng away ang boses niya. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard nitong kama. Inunat ko ang aking mga paa at hinila ang kumot hanggang sa aking bewang. "Hindi noh!" a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD