21.SELAH -PROTECT

2324 Words

SELAH "GOOD morning, Sir!" magkakasunod na bati ng mga nadadaanan naming empleyado dito sa hallway. Lahat sila ay napapa-sunod ang tingin sa amin lalo na sa akin. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ako kasama ni Magnus ngayon at hapit-hapit niya pa ang bewang ko habang naglalakad. Habang ako naman ay todo ngiti at halos mapunit na ang labi ko. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng opisina niya ay may tinawag siya na janitor. May hawak pa itong mop nang lumapit siya sa amin. "Good morning, Sir. Good morning, Ma'am," bati niya sa aming dalawa ni Magnus. "Please ask for their help in lifting this table inside. Thanks," utos ni Magnus sa kanya sabay bukas ng pinto ng kanyang opisina. Ang tinutukoy niyang mesa ay ang mesa ko dito kung saan ako nagta-tranaho. Napatanga naman ako sa sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD