THIRD PERSON "S-HIT! DAMNIT!" Magnus let out a loud shout while continuously punching the wall. Wala na siyang pakialam kahit puno na ng dugo ang kamao niya. Basta ang gusto niya lang ay mailabas ang nararamdaman niyang galit para sa sarili. Naiintindihan niya ang galit ni Selah para sa kanya dahil totoo namang gago siya. Totoo namang iniwan niya ito na parang basura. Ang mas lalong kinaiinisan niya pa ay ang huling sinabi nito. So she already has a boyfriend. Hindi naman siya pwedeng ikasal, dahil kasal pa silang dalawa. Ngayon ay alam na ni Magnus ang pakiramdam nang binabalewala. Kagaya nang pambabalewala na ginawa niya noon kay Selah. Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang hindi na ito makabalik sa ibang bansa. Kahit magtagal lang siya dito ng ilang linggo o buwan hanggang s

