SELAH "OH, ano'ng nangyari sa iyo?" bungad na tanong ni Camille pagkapasok na pagkapasok ko pa lang dito sa unit room namin. Sinulyapan ko ang kambal na nakahiga sa ibabaw ng kama. "Kakatulog lang nila. Napagod sa kaka-laro," saad niya. Naglakad ako papunta sa kama at naupo doon. Pinagmasdan ko ang mukha ng kambal. "Nagka-problema ba?" untag ni Camille. Nasa tabi ko na siya ngayon. Binalingan ko siya ng tingin. "Si Magnus..." Huminto ako at lumunok. "Bakit? Nagkita ba kayo?" Naupo na siya sa tabi ko at puno ng kuryosidad ang mukha niya. Mababakas rin do'n ang gulat at takot. I nodded. "Siya pala 'yung buyer ng bahay ko, Camille," sumbong ko. "What? So, siya rin ang nag-request na magkita kayong dalawa?" gulat niyang tanong. I nodded again. "Ano'ng oras tayo aalis?" pagku

