MIKAELA MICHEL PUNONG puno ng mga luha ang buo kong mukha pero wala akong panahon para punasan ang mga 'yon. Ang mga luhang tanda kung bakit ako nasasaktan, sumasaya, naguguluhan at nahihirapan. Kahit anong pigil kong wag silang lumabas ay nagkukusa nalang ang mga ito dahil pati ang mga luha ko ay hindi na rin alam kung ano ang dapat kong gawin. "S-Sobrang namiss kita." Mariin kong kagat ang mga labi habang sinasabi ang mga katagang 'yon, panay ang haplos ko sa gwapong mukha ng nag-iisang lalaking inalayan ko ng buong pagkatao ko. Mahimbing itong natutulog pero hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan. Malawak ang pagkakangiti ko habang kinakabisa ang bawat sulok ng kanyang mukha. Wala halos nagbago sa mukha niya kundi ang pagiging matured nito. Napakatangos ng ilong, may konteng bigote

