MIKAELA MICHEL "WHAT if umuwi nalang tayo ng Pinas?" Tanong ni First ko habang ako naghahanda na sa pag-alis namin papuntang China. Isang gabi lang naman akong nagtagal sa hospital dahil agad na bumalik sa normal ang pakiramdam ko at sabi ng doctor ay minor lang iyon kaya hindi na ako nagtanong pa ng marami. At ngayon masiglang masigla na ako na parang walang nangyari. "Duh, sasayangin natin ang pagkakataong 'to dahil lang sa nangyari sa'kin? Tss. No way, sulitin na natin tutal nandito na tayo." Sabi ko. "But--" "Ikaw kaya ang nagyaya sa'kin dito." Tinaasan ko siya ng kilaya at halos bumunghalit ako ng tawa dahil sa hitsura niyang parang batang pinagalitan. Never in my entire life na pumasok sa isip ko na malalagay ako sa ganitong sitwasyon na simpleng gesture o reaction lang ng isa

