MIKAELA MICHEL Bawat parte ng Disneyland ay ipinapaliwanag niya kaya manghang mangha ako. Dahil bukod sa napakaganda ng lugar at napakaraming tao ay nagagandahan ako sa mga extra trivia niya about sa lugar. Ang ganda palang maging tour guide. Halos isang oras na kami rito ay hindi pa rin namin nalilibot ang lahat dahil sa sobrang daming pwedeng gawin pero napakarami na naming picture ni Firts ko. "Grabe, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'to." Naisigaw ko dahil sa sobrang tuwa. Nahuli kong nakatingin sa'kin si First ko kaya mas lalo akong ngumiti. "Are you happy?" Tanong niya. "Hindi pa ba halata? Gosh, kulang ang salitang happy para i-describe ang nararamdaman ko ngayon." "Na ako ang kasama mo?" Pagtatapos niya sa tanong niya na hindi ko inaasahan. Sandali kong pinakiramd

