MIKAELA MICHEL NANLAKI ang mga mata ko pagkakita sa mga picture. Nahihibang na ba siya? Pupuntahan namin 'to ng limang araw lang so tatae lang kami doon at aalis agad. "Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya habang may malapad na ngiti pa rin. "Yup. Parangarap kong mapuntahan ang mga lugar na 'yan at gusto kong ikaw ang kasama ko." Aniya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Wow, hindi pa nga kayo umaalis kinikilig ka na. Kantiyaw ko sa sarili. "Kakayanin ba natin, isang bansa kada isang araw?" Dudang tanong ko. "Oo naman, basta ikaw ang kasama ko walang impossible lahat kaya kong gawin." Tumango nalang ako dahil baka magmukha akong kamatis sa sobrang kapulahan sa mga inosente niyang banat. Bahala siya, sa

