Napabagal sa paglalakad sina Meygan at Jai nang umagang iyon dahil napansin nila na bawat madaanan nilang estudyante ay pinagtitinginan sila. Karamihan ay nagbubulungan at ang iba naman ay nagtatawanan. "Let me guess, she gave it up," dinig nilang sabi ng isang estudyante at nagtawanan pa ang mga kasamahan ng mga ito. Pagpasok naman nila sa kanilang classroom ay ganoon din ang mga tingin sa kanila. Ngunit mas pokus ang mga tinging iyon kay Meygan. "May problema ba kayo?" hindi na nakatiis na wika ni Jai. Naglakad naman si Reina palapit kay Jai at saka nagsalita sa mahinang boses, "Kami wala... Mukhang kayo, meron." Nagkatinginan bigla sina Meygan at Jai. Wala silang ideya sa sinasabi ni Reina ngunit kahit papano ay nakaramdam din sila ng kaba. "Maupo na lang tayo, Jai. Sigurado akong

