Masayang nagku-kuwentuhan sina Meygan, Jai, at Third habang kumakain ng lunch sa canteen nang biglang dumating si Wyncy. Sabay na tumaas ang kaliwang kilay nina Meygan at Jai nang parang wala lang na naupo si Wyncy sa tabi ni Jai. Sina Meygan at Third kasi ang magkatabi ang upuan kaya naman ang upuan sa tabi ni Jai ang bakante. "Did we invite you here?" mataray na wika ni Jai. "Puwede ba, Wyncy? Hindi ako naghahanap ng away," saad naman ni Meygan. Natawa naman si Wyncy, "What? Relax ka lang, Meygan. Hindi rin naman ako para makipag-away. I belong now to SSG officers, right?" proud na wika ni Wyncy. "You're just a replacement. So 'wag ka masyadong proud," pabalang na sabat ni Jai. "Jai... It's okay. Let's just hear her out. Baka naman may mensahe lang siya as my replacement," kalmado

